Thursday, March 2, 2017

Pribilehiyo o Karapatan?

                Ang edukasyon ay hindi isang pribilehiyo kundi isa itong karapatan. Lahat tayo ay may karapatan na magkaroon ng maayos at kalidad na edukasyon dahil ito na ay parte ng buhay ng bawat isa, ito ang kasangkapan para makadiskubre ng mas maraming bagay tungkol sa buhay. Marami ang nagtatanong kung bakit mahalaga at kailangan ang edukasyon sa atin. Ang edukasyon talaga ay para maipalabas ang anoang kaya ng isang tao. Para ito mapahusay ang kakayahan ng isang tao at gamitin ito para makahanap ng trabaho para mabuhay at ito ay nakakatulong rin sa ating bansa. Ang pamahalaan natin ay gumagawa na ng mga hakbang para masolusyonan na ang mga problema sa edukasyon ngunit may mga bata pa rin na hindi nabibigyan ng maayos at kalidad na edukasyon. Ang mga halimbawa na problema na kasalukuyang nangyayari sa edukasyon sa ating bansa ay kakulangan sa silid-aralan, kakulangan ng bilang ng guro, kakulangan at sirang kagamitan sa paaralan katulad ng mga silya, pisara, libro at iba pa. Dapat itong masolusyonan dahil ito ang mga pangunahing mga bagay na nakakapagpabuti sa pagganap sa pag-aaral ng mga estudyante. Kung hindi ito aaksyonan, mahihirapan ang mga estudyante na magpokus sa leksyon at hindi sila makakakuha ng maayos na edukasyon na karapatdapat sa kanila.

A kakulangan ng higit sa 200,000 na mga silid-aralan at 100,000 na mga guro ang kinakaharap ng mga mag-aaral sa elementarya at hayskul sa taong ito lalo na may K to 12 program na ang bansa natin, sabi ng isang mambabatas.Sabi ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon sa Huwebes na higit sa 21 million basic education na estudyante sa lahat ng antas ay inaasahang mag-enrol sa Pilipinas, kailangan pa rin natin ng 209,539 na silid-aralan, magkakaroon ng 30 na estudyante bawat silid-aralan. Samantala, 114,304 mga guro pa rin ang kinakailangan upang turuan ang inaasahang bilang ng mga enrollees. Tungkol sa 2.5 milyong sanitasyon at tubig pasilidad at 60 milyong mga aklat-aralin ay kinakailangan din, ayon kay Ridon. Sa katunayan, ang DepEd ay bumuo ng 86,478 na silid-aralan at nagpatrabaho ng128,105 na guro mula 2010 hanggang 2014. Ang  DepEd ay humiling ng pondo para sa pagtatayo ng 27,499 na silid-aralan, at magpapatrabaho ng 37,000 guro sa 2016 para lang sa Senior High School. Dahil may bagong dalawang taon sa hayskul, inaasahang tataas rin ang mga pangangailangan ng mga kagamitan sa paaralan.


Bilang isang estudyante, ang magagawa ko para makatulong na masolusyonan ang problema na kinahaharap ng edukasyon sa ating bansa ay una, magbibigay ako kung ano ang mayroon ako na hindi ko na ginagamit tulad ng mga libro, kwaderno, mga krayola at iba pa. Kahit luma at simple lang ang mga ito, may pakinabang pa rin ito at makakatulong ito sa pag-aaral ng mga bata na walang libro na mababasa o papel na masulatan. Pangalawa ay ang pagsali sa mga aktibidad na tumutulong sa kapwa mga mag-aaral na nangangailangan ng mga boluntaryo. Maraming mga programa at proyekto na ginawa ng ating pamahalaan para sa mga mag-aaral at dapat tayong makilahok dito dahil para ito sa ikabubuti ng ating bansa. Ang huling paraan na magagawa ko, ang pinaka-simple, ang pagturo ng kahit isang bata man lang tungkol sa mga bagay na kailangan niyang malaman katulad ng pagbasa at pagsusulat, at mga paraan para makabangon sila sa kahirapan. May maraming bata sa kalsada ang hindi nakakapunta sa paaralan dahil wala silang panggastos kaya ako nalang ang kusang tutulong sa kanila. Malaki ang pasasalamat ko na ako ay nakakapag-aral at hindi ko ito sasayangin dahil ang ibang tao rin ay nangailangan nito, hindi ito isang simpleng bagay. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang makatulong rin ako sa ibang tao sa hinaharap. Gagawin ko ang aking sarili na maging isang instrumento sa pagbibigay ng karapatan ng mga tao na mag-aral, hindi pribilehiyo na mag-aral. Dapat nating ibigay ang nararapat ng lahat, karapatang magkaroon ng kalidad na edukasyon.